Wednesday:Nagchurch kami sa Bread of Life. Parang magiging weekly meeting na namin to. Masaya kasi nakikita ko ulit mga friends ko from ERG, tapos we're learning together the Word of God. After namin magchurch, nagdinner kami. Naging weekly sched na talaga yun, at every week eh may masusurprise na manlilibre. So malamang, ako na this Wednesday.
Nung andun na kami sa Snackaru, may lumapit sa amin na guy na mukha naman talagang nabugbog. Medyo natakot nga ako eh. Nanghihingi siya ng tulong. Eh dahil sa mababait kami, binigyan namin sya. Kami lang ata yung tumulong sa kaniya. Sabi niya "hindi daw siya yung tinulungan namin kundi si God." Tama naman, asa Bible naman yun. Tapos sa devotion ko eto yung binigay na verse sa akin,
LUKE 12:33
"Sell what you have and give alms; provide yourselves money bags which do not grow old, a treasure in the heavens that does not fail, where no thief approaches nor moth destroys."
Sakto lang. Tas may definition pa nga ng alms dun. Eto sabi: The Greek word translated alms in the New Testament originally meant mercy or kindness, then came to represent the kind deeds caused by mercy and kindness. So it came to mean charitable giving to the poor -- or giving motivated by love.
Saktong sakto. Galing talaga ni God.
Nagcoffee pa raw sila. Di na kami nakasama kasi nakasakay na kami sa taxi at medyo malayo na kami nung nagtext sila para yayain kami. Ayos lang. Tampo lang ng konti.
~~~~~~~~
Thursday:
Pumunta ako sa training ng Metro. First time ko pumunta na ako lang mag-isa. nagcommute lang ako mula sa office. At naligaw ako. At dahil sa mapride ako, ayokong magtanong ng direction. Buti na lang talaga malakas ang sense of direction ko.Pagdating ko un, wala pa sina Mama.
Masaya yung training. Kahit na pinagturo ako on the spot. Tsaka very helpful talaga. Next time, pag-aaralan ko na yung lesson para hindi ako gaanong mabigla pag pinagpresent ulit kami.
~~~~~~~
Friday:
Pumunta akong church para sa prayer meeting. After ng prayer meeting, nagpractice ng Metro. Nadagdagan yung part ko. Pati narrator ako na rin daw. Kulang-kulang nga lang yung mga artista kaya hindi namin natapos yung practice. At dahil malakas ang ulan, at bumabaha na sa may church, late na kami nakauwi.
Since Wednesday to Friday, almost 12 na ata ako nakakarating ng bahay.
Pag-uwi ko, andun si Ate Elaine sa bahay. Nagkwentuhan kami ng upto 4am siguro. Andami kasing dapat i-update eh. Tsaka namiss ko na talaga sya.
~~~~~~~
Saturday:
Hindi ko nasunod yung sched na ginawa ko para sa Saturday. Nagbago kasi ng plan. Instead na sa District 4 ako magturo, sinabi ni Mama na tumulong na lang daw ako sa feeding nina Bro. Boy sa District 5. Eh 8 am yung start nun. So, 6:30 pa lang gising na ako. Eto naging sched ko:
6:30 to 8:00 am: Preparation
8:00 to 10:00 am: Feeding. Masaya naman, kahit na halos lahat ng part ako na nagfacilitate. Ang galing ni Kuya Ric magkwento kahit na gabi na nya nakuha yung kwento. Tsaka, maraming bata. Ang dami ring arrozcaldo ang ipinamigay.
10:00 to 11:30: Pumunta kami kina Bro Boy. Nagbreakfast lang tsaka konting meeting. Sabi sa kin ni Bro Boy, every saturday na daw ako sumama sa kanila. So kelangan ko na palang sabihin kay Ptr JJ na di na ko makakasama sa District 4.
11:30 to 2:30pm: Sa Church. Kain tsaka prepare ng lesson for Metro sa Pandacan. Wala daw naka-assign na teacher sa Lesson 2, ako na lang daw ang magturo nun.
3:00 to 5:00pm: Metro sa Pandacan. Grabe, lahat ng lesson ako yung nagturo. Kulang ng workers eh. Buti na lang di na ko pinasayaw nung sa tambourine. Masaya naman kaya lang talagang by this time nanghihina na ko. As in nanginginig na yung laman ko. Sobrang antok na rin ako.
5:00 to 7:00pm: Gumawa ng weekly word. Nagpaphoto copy.
7:00 to 10:30 pm: Kumain. Gumawa ng powerpoint ng music. maaga natapos yung practice nila kaya naiwan ako. Umidlip sa church dahil di ko na talaga kaya ang antok at dahil ang lakas ng ulan di kami makauwi.
Kakapagod yung Saturday. Pero rewarding naman. God is faithful pa rin. Sya pa rin talaga nagsustain ng health ko.
~~~~~~
Sunday:
Guest speaker namin si Dolphy Jr. Grabe ang ginawang pagbabago ni God sa buhay niya. Nakakaiyak talaga yung testimony niya. And for the nth time napatunay ko na God really specializes in restoration.
Nagpapicture kami kasama siya. Inakbayan niya ko. Hehehe.. Pag nakuha ko yung picture kay Bro Boy, ipopost ko dito. Sayang talaga at nagempty batt yung phone ko, di ko tuloy sya nakunan. Lunch at Bro Boy's house followed. Nagkulitan ulit yung mga youth. Reminiscing yung mga nangyari dati. Grabe, ang tatanda na nga namin.
Tas nagbadminton ako with Kuya Ariel, Sis Cristy tsaka yung iba pang players ng WIN- Manila. Sinamahan lang namin si Kuya Ariel na maglevelling. Wala naman talaga akong balak maglaro, pero pinilit ako ni Bro Boy. Ang loser ko talaga. Tinambakan ako ni Hezek. Hahaha... Kelangan ko ata magpractice. Masaya.
Masaya ako this Sunday. Basta masaya. Something happened. Hahaha.. Sabi nga ni Julius, di raw matago yung happiness ko. Ah, basta masaya. Sana lang, wala tong kasunod na malungkot na mangyari...