Fading Memories

"It is easy to say that Jesus is good, that He cares for us, that He will do what's best in our lives. It is another thing for these truths to get to the heart so that we are free from fear and anxiety no matter what the circumstances are."

My Photo
Name:
Location: Manila, Philippines

22. Christian. UP Grad. Liscensed Electronics and Communications Engineer. Yellow and Green. Bookworm. Math. Sweet tooth. Chocolate-lover. Clumsy. Gullible. Sentimental. Unathletic. Moody. Cries easily. Selosa. Treasures friends. Can be creative. Have a knack for remembering numbers and dates. Stubborn. Single and Saved. my Father's princess. Loves God above all.

Monday, September 18, 2006

One Year na Pala...

One year na pala simula ng ma-stroke si Papa. Mild stroke lang naman pero mabigat na yun para sa akin. Marami na rin ang nagbago. Hindi na siya umiinom tulad ng dati tsaka mas naging conscious na siya sa kinakain niya. Hindi na rin ako nasusuka kapag pumupunta ng ospital kasi halos one week rin kami nag-stay dun last year. Dun na nga nagcelebrate ng birthday si Peter at si Kuya. Mas pinahahalagan na namin ngayon ang pamilya, mas lagi ko ng pinagdadasal si Papa.

One year na pala. At salamat sa Diyos kasi ok na sya. Naiintindihan na namin yung salita nya, kahit na tabingi na yung bibig nya. Salamat kasi binigyan pa kami ng Diyos ng pagkakataon na makasama sya ng one year, at alam ko na marami pang susunod na taon. Ang bilis talaga ng panahon, one year na pala.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home