Medical Mission
Last Sept 23, birthday ni Kuya, sumama kami sa Medical Mission sa Cabuyao. Dun na nakatira yung mga batang dati namin tinuturuan sa Metro. First time ko sumama, at ang alam ko lang talaga magpipicture ako nung mga nangyayari dahil yun naman talaga gawain ko bilang head ng Media Ministry.
4:30 am ang call time. 3am pa lang gising na ako, at 4am asa church na kami ni kuya. Umalis kami ng 5:30 sa church, dumating kami ng 8am sa Cabuyao. Nag set up at nag praise and worship. After dumating nung mga doctor - koreano silang lahat - nag-assist muna ako sa pagpapapila nung mga patients. Ayun, acupuncture, yung way ng paggagamot nila. Yung tutusukin ka, yung parang napapanood ko dati sa My Girl at sa ibang Korean Telenovelas. At dahil hindi nakakaintindi ng Tagalog yung mga doctor, at di naman makapag-english yung mga patient, naging intrerpreter tuloy ako. Madali lang naman magtranslate eh, ang di ko lang talaga kinaya eh nung tinutusok na nila yung mga pasyente. Naiiyak ako eh. Iyak pa ng iyak yung mga bata. Tapos yung mga pigsa, tinutusok nila, andaming dugong lumalabas. Takot pa naman ako dun, kaya nga hindi ako nagdoctor dahil ayoko ng mga ganun. May time pa na lumabas ako kasi hindi na kinaya ng powers ko.

Pero ok naman lahat. Nakakabless yung mga koreano kasi nagserve sila sa mga tao kahit na hindi nila kalahi. Tsaka masarap talaga yung feeling na makatulong ka. Kahit na maliit lang talaga yung naging part ko dun, naramdaman ko naman na may naitulong ako.
Mabait talaga si God. Tsaka sya pa rin talaga yung greatest physician.
syempre, dapat may souvenir pic kami
more pictures dito. enjoy... pagpasensyahan nyo na lang kung marami akong kuha jan na candid... :)
Umuwi kaming masaya. Pagod pero fulfilled naman. Diretso pa ko sa pagtuturo sa mga bata sa Pandacan. Tapos sa church pa para sa weekly word. By 9pm, lobat na talaga ako, pero ayos lang, si God pa rin talaga ang nagsustain ng strength.

3 Comments:
wow! ang saya naman nito. Gusto ko rin maka-experience mag mission. Sabihan mo ko ja pag meron ulit ha. :D
Congrats pala sa promotion! :D (libre, libre! hehehe)
thanks ate..
meron ulit sa november.. di ko pa sure yung date..:)
ahh ic.. sige inform mo lang ako kung kelan exact date para makasama ko kung okay ang sched ko. thanks! :D
Post a Comment
<< Home