Fading Memories

"It is easy to say that Jesus is good, that He cares for us, that He will do what's best in our lives. It is another thing for these truths to get to the heart so that we are free from fear and anxiety no matter what the circumstances are."

My Photo
Name:
Location: Manila, Philippines

22. Christian. UP Grad. Liscensed Electronics and Communications Engineer. Yellow and Green. Bookworm. Math. Sweet tooth. Chocolate-lover. Clumsy. Gullible. Sentimental. Unathletic. Moody. Cries easily. Selosa. Treasures friends. Can be creative. Have a knack for remembering numbers and dates. Stubborn. Single and Saved. my Father's princess. Loves God above all.

Thursday, November 23, 2006

Hold Up

Uso na naman ang hold up-an ngayon lalo na at malapit na ang Pasko. Kaya kailangan talaga ang dobleng ingat.

May mga mandurukot kanina sa bus na sinakyan ko. Pero ok lang ako, walang nakuha sa akin. At kanina, napatunayan ko na totoo pala yung gimik na duduruan ka ng magnanakaw para madistract at makuha nila kung ano man yung bagay na gusto nilang kuhanin sayo. Nakuhaan ng cellphone (Ericsson P900) yung mama na nakaupo sa likod ko.

Apat yung magnanakaw. Sabay sabay silang sumakay sa may bandang Lawton kung saan marami pang ibang sumakay. Umupo sila sa iba't ibang pwesto at yung isa nga ay dun sa likod namin. May isa pang magnanakaw na nakaupo naman doon sa seat after. Yun yung magnanakaw na dumura dun sa victim. Tapos syempre ang focus nung victim eh doon sa dura na asa balikat nya not knowing na unti-unti ng kinukuha ng katabi nya ang kanyang cellphone. Nung asa Quiapo na kami, sa tapat ng Raon, bigla silang nagpara. Weird, kasi ang ingay nila. Nung time na yun, naisip ko na may "something" kaya tumingin ako. Parang galit yung boses nung mga mama tas nagmamadali silang bumaba ng bus. At doon namin nalaman na nadukutan nga yung guy sa likod ko. Ang laki laki nyang tao pero mangiyak-ngiyak sya. Syempre naman, kahit sino ang mawalan ng cellphone ay tiyak na maiiyak. At nagsimula ng magalit yung mga pasahero. Sabi nung isang mama na bakit pa pinapasakay ng kundoktor yung apat na yun eh laging nakakabiktima yun, dapat daw kilala na nila yung mga hold uper. BAkit daw hindi nirereport sa pulis yung mga ganung insidente.

Sinabi ng katabi ko na last week, isa ring kasabay nila sa bus yung nakuhaan ng 20000 pesos ng apat na lalaki. Feeling nila, same lang yun nung nanghold up kanina. Ang gimik naman daw nila last week, may inihulog na dyaryo na pinulot ng biktima kaya sya nakuhanan ng pera.

At naalala ko yung nangyari rin sa bus na sinakyan ko nung Nov 7. May ahold up rin at katabi ko yung isa sa mga hold uper. Nagpalit pa nga sila ng pwesto ng isa pero wala namang nakuha sa akin. Hindi ko naman alam na hold-uper sila, pero neweirduhan lang ako kasi nagpalit pa sila ng pwesto. Nalaman ko lang na holduper nung sinabi nung isang girl na hinold up sya ng apat na lalaki na kasabay nyang bumaba sa may Morayta. Thankful ako kay God kasi walang nakuha sa akin. Sabi nga ng bestfriend ko nung kwinento ko sa kanya yung nangyari, na God really is with me and protecting me from any harm. Imagine naman, katabi ko na yung hold uper pero hindi ako yung kinuhaan nila ng cellphone. Malamang silang apat in yun.

Ayun lang. Mag-ingat kayo lagi lalo na sa Quiapo, tsaka wag na magtext sa bus/jeep pag nagcocommute kayo. Tsaka silent mode lagi dapat ang cellphone. At wag kalimutan magdasal bago umalis ng bahay, si God pa rin kasi ang may kakayanan na protektahan tayo sa lahat ng oras.

2 Comments:

Blogger Doths said...

Grabe.. nakakatakot naman to jaja. Buti na lang hindi pa ko nakaka-experience ng ganyan, except yung mga mamang nagtetake advantage sa jeep at bus! grrrrr! Naku dapat talaga ginigilitan ng leeg mga yon! kakainis talaga... hehe sorry ha, nakaka-high blood talaga sila e. hayyy...

Anyways, ingat na lang tayo lagi. Hay buti na lang laging nandyan and covering and protection ni God. :D

4:25 PM  
Blogger ja! said...

oo nga eh... kahapon sabi ni june may nahuling snatcher sa may onyx, tapos may tatlo pa raw na di nahuli.. i wonder kung sila yung mga mokong na lagi nanghohold up sa bus...

ingat ka din ate.. :)

11:00 AM  

Post a Comment

<< Home