Fading Memories

"It is easy to say that Jesus is good, that He cares for us, that He will do what's best in our lives. It is another thing for these truths to get to the heart so that we are free from fear and anxiety no matter what the circumstances are."

My Photo
Name:
Location: Manila, Philippines

22. Christian. UP Grad. Liscensed Electronics and Communications Engineer. Yellow and Green. Bookworm. Math. Sweet tooth. Chocolate-lover. Clumsy. Gullible. Sentimental. Unathletic. Moody. Cries easily. Selosa. Treasures friends. Can be creative. Have a knack for remembering numbers and dates. Stubborn. Single and Saved. my Father's princess. Loves God above all.

Friday, November 17, 2006

Asan?

Ewan ko kung ano nangyayari sa akin. Lately kasi, parang nawawalan na ako ng gana.

Una, sa trabaho. Pero kahit dati pa naman, hindi na ako nag-eenjoy. Ang problema nga lang sa akin, wala akong ginagawa para makaalis dito. Minsan iniisip ko na masyado na ata akong nagpapakamartir kasi nagtitiis pa rin ako dito, or masyado akong mabait, hindi ako makapagsabi ng "NO, hindi na po ako magrerenew." Or wala lang talaga akong lakas ng loob para sabihin na ayoko na. Ewan. Wala na rin atang sense maghintay pa ng panibagong project na may matutunan talaga ako, parang tama na yung halos one year na paghihintay.

Pangalawa, nagsasawa na ako sa mga bagay na gusto ko dating gawin. Alam ng lahat na sobrang hilig ko magbasa dati. Na kapag nakahawak ako ng isang libro, mahirap na para sa akin na tigilan ito. Kaya nga dati, kahit na 2 days before ng final thesis defense at hindi pa talaga kami tapos sa thesis, eh asa Quiet Zone ako, at umiiyak dahil sa binabasa ko. Buong hapon yun ah. Tapos, one week akong di nagreview dati para sa boards dahil tinapos ko yung pitong books ng Narnia, one book a day. Pero ngayon, hindi nga ako makatapos ng isang chapter. Hay... Tapos, last Friday, asa Robinson's kami ng bestfriend ko, at niyaya niya ko sa Powerbooks. Alam mo yun, pagpasok ko, parang inikot ko lang yung tingin ko, wala man lang nakakuha ng interest ko. Ako pa yung nagyaya na umalis na kami dun, habang siya eh nag-eenjoy sa pagbabasa. Tapos upto now, di ko pa rin nasisimulan yung book na regalo ni Julius nung birthday ko, to think na gustung-gusto ko talagang magkaroon ng copy nun. Anong nangyayari?

Pangatlo, eto medyo nakakatawa to, pero ngayon nagsasawa na rin ako magpicture. Ewan, di ko na feel.

Ayoko na rin magsulat. Siguro nafru-frustrate lang ako kasi hindi naman talaga ako magaling magsulat. Minsan kasi pag nagbabasa ako ng ibang blog, eh napapaisip talaga ako, yung tipong masyado akong naaapektuhan ng mga sinulat nila. Gusto ko rin maging ganun, pero ewan ko, di ko yata kaya.

Pati nga yung pagbuo nung puzzle tinigilan ko na. Kelan ba ko last na nagbuo nun? November 1 ata. At hanggang ngayon, ganun pa rin itsura nya, walang nadagdag.

Anong nangyayari sa akin? Minsan, pag tumitingin ako sa salamin, eh iba na nakikita ko, parang di ko na kilala. Asan na kaya yun? Saan na nagpunta yung dating ako? Problemang malaki to.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home