Fading Memories

"It is easy to say that Jesus is good, that He cares for us, that He will do what's best in our lives. It is another thing for these truths to get to the heart so that we are free from fear and anxiety no matter what the circumstances are."

My Photo
Name:
Location: Manila, Philippines

22. Christian. UP Grad. Liscensed Electronics and Communications Engineer. Yellow and Green. Bookworm. Math. Sweet tooth. Chocolate-lover. Clumsy. Gullible. Sentimental. Unathletic. Moody. Cries easily. Selosa. Treasures friends. Can be creative. Have a knack for remembering numbers and dates. Stubborn. Single and Saved. my Father's princess. Loves God above all.

Monday, October 30, 2006

Family Reunion at Manila Zoo

So, I’m sporting a new hair-do. Hay, asar talaga, sobrang ikli na naman ng buhok ko… at sobrang ikli rin ng bangs ko. Sabi nila, bagay naman daw sa akin. Bumata ako tingnan. At syempre ang mga youth, inasar na naman ako kahapon. Para daw akong nanggaling sa Korean Novela at kamukha ko raw si Kim Sam Soon. Di ko na nga alam kung totoo ba yung sinabi nila na bagay naman talaga sa akin. Oh well, paninindigan ko na lang, parang wala ring use kung iclip ko yung bangs. Hahaba rin naman to eh.

Anyways, ang saya kahapon ng family reunion sa Manila Zoo. Wala kaming service sa GSP, instead sa Manila Zoo kami nagfellowship. Seven thirty pa lang asa Manila Zoo na kami, excited eh. After almost 10 years, nakabalik ulit akong Manila Zoo. Dati six pesos pa lang entrance, ngayon, forty pesos na. May mga nauna pa na dumating sa amin. Bale, eight thirty pa kasi yung start ng service. And since, di ako mapakali sa buhok ko, umupo lang muna ako at nagbantay ng mga pagkain at gamit ng ibang tao. At inayos ng inayos yung buhok ko hoping na humaba sya pag sinuklay ko ng sinuklay. :)

Ang topic ng sermon is about creation, syempre nga naman asa nature na lang rin kami eh. After ng praise and worship at short sermon ni Ptr Abel, nagkaroon ng “interaction with animals”. Ayun, nilabas yung ahas tas pede mo ipapulupot sa ulo mo. Pero syempre, di ko ginawa, baka himatayin ako sa takot. Si B-ann nga hinabol pa nung nag-aalaga ng ahas, eh nacorner sya, kaya ayun, nailapit sa kanya. Actually, gusto namin magpapicture talaga kasama nung ahas, kaya lang talaga baka di kayanin ng powers ko lalo na pag nilabas niya yung dila nya. May pinahawakan ring guinea pig sa amin. At yun, hinawakan ko na, syempre, di naman kasi nakakatakot yun. Ang cute, parang stuffed toy.

After nun, ngspecial number kami. Surprise special number. As in, hindi ko alam na magspecial number kami. Tinawag na lang kami ni Ptr JJ at ayun napasayaw ako ng wala sa oras. Im trying to keep a low profile pa naman dahil sa bangs ko, tas napapunta pa akong stage. Hai... okay naman kahit papano yung action song na ginawa namin.

Nag-games afterwards. Lahat kami may papel na binunot tapos kailangan namin mahanap yung mga group mates namin by making animal sounds. Snake kami, at kahit na kami naman talaga yung unang nakabuo ng group, hindi kami yung nanalo. Ang basis ng pagkapanalo eh palakasan daw ng tunog, good luck naman sa tunog ng snake di ba? Tapos naglaro rin kami ng picture me. Yung una gagawin namin ang sarili namin na pansit. Ang corny nung ibang group, kami todo effort eh. Pero natalo kami dun. Nung ang pina-act na eh yung tricycle, sabi namin hayaan na lang namin yung ibang group yung manalo. Pero, parang katuwaan na nga lang, gumawa pa rin kami ng tricycle. Masaya ako kasi walang killjoy sa group namin, lahat game eh. At nanalo kami. Kahit na pawis na pawis ako afterwards, masaya naman. Sayang lang kasi yung ibang tao di nagparticipate, di nila naramdaman yung fun tsaka joy. Ang sarap kayang maging parang bata ulit. Yung last game, ewan ko kung ano yun dapat, pero nagtakbuhan na yung ibang group, at group na lang namin yung natira. Talk about, natakot sa amin.

Kainan afterwards. Daming food. Iba’t iba yung dala ng bawat family tapos sharing talaga. Palipat-lipat nga kami ng table, busy sa pagkuha ng pagkain. Masaya rin ako kasi nakita ko ulit yung mga dati kong kaibigan na matagal ko ng di nakikita. Pumunta sina Ate Lyn, at kasama nya yung baby nya. Ang cute nga eh, kaya lang nangingilala na. Pumunta din sina Josan, kasama ang kanyang family. Ang cute pa rin ni Baby Frida niya, kagagaling nga lang sa sakit kaya wala sa mood.

Lumibot kami sa Manila Zoo pagkatapos kumain. Yung sa part ng mga ahas, natatandaan ko yun from childhood. Hindi nagbago. Pati yung sa elephant. Matanda na yung elephant plus nag-iisa na lang sya. Yung sa kulungan ng mga tiger, yun pa rin yung dati. Too bad wala ng lion dun, at giraffe. May hippo pa rin, ang cute nga eh, dirty nga lang. Niloloko nila akong hippo. Tapos ang last naming stop eh yung sa mga monkey. Nakaktuwa yung oranggutan dun, nagpapacute, kaya lang mag-isa rin sya. Ang daming inaayos sa Manila Zoo, marami rin kasing nagtumbahang puno gawa ng bagyong Milenyo. Tsaka nirerenovate pa kaya maraming construction. Pero malaki na talaga pinagbago simula nung last akong nakapunta dun, mas luminis eh.

Ang last naming activity, namangka sa lagoon. Lima kami sa bangka: B-ann, Peers, Benj, Mike at ako. Nakipag-race kami kina Peter (with Hezek at Alfie) at June (with Hezron, Tita Lina, at Jonelle). Pero dahil sa mas marami kami at mas mabigat, considering nalang kung gano kalalaki yung mga kasama ko, talo kami lagi. Nakakatuwa lang talaga pag nagkakabanggaan kami. Pero nakakatakot rin kasi muntik na talaga kaming tumaob. Ang lilikot rin kasi ng mga kasama ko, lalo na ni Peers. Pero all in all, masaya talaga sya.

Sana nga laging may ganung activity yung church. Nawala na kasi yung family camp at family day kaya minsan na lang makapag-enjoy ng ganun. Although may mga paminsan-minsang mga swimming at outing pero hindi naman involved yung buong church dun. Sana next year ulit.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home