Fading Memories

"It is easy to say that Jesus is good, that He cares for us, that He will do what's best in our lives. It is another thing for these truths to get to the heart so that we are free from fear and anxiety no matter what the circumstances are."

My Photo
Name:
Location: Manila, Philippines

22. Christian. UP Grad. Liscensed Electronics and Communications Engineer. Yellow and Green. Bookworm. Math. Sweet tooth. Chocolate-lover. Clumsy. Gullible. Sentimental. Unathletic. Moody. Cries easily. Selosa. Treasures friends. Can be creative. Have a knack for remembering numbers and dates. Stubborn. Single and Saved. my Father's princess. Loves God above all.

Monday, October 30, 2006

Family Reunion at Manila Zoo

So, I’m sporting a new hair-do. Hay, asar talaga, sobrang ikli na naman ng buhok ko… at sobrang ikli rin ng bangs ko. Sabi nila, bagay naman daw sa akin. Bumata ako tingnan. At syempre ang mga youth, inasar na naman ako kahapon. Para daw akong nanggaling sa Korean Novela at kamukha ko raw si Kim Sam Soon. Di ko na nga alam kung totoo ba yung sinabi nila na bagay naman talaga sa akin. Oh well, paninindigan ko na lang, parang wala ring use kung iclip ko yung bangs. Hahaba rin naman to eh.

Anyways, ang saya kahapon ng family reunion sa Manila Zoo. Wala kaming service sa GSP, instead sa Manila Zoo kami nagfellowship. Seven thirty pa lang asa Manila Zoo na kami, excited eh. After almost 10 years, nakabalik ulit akong Manila Zoo. Dati six pesos pa lang entrance, ngayon, forty pesos na. May mga nauna pa na dumating sa amin. Bale, eight thirty pa kasi yung start ng service. And since, di ako mapakali sa buhok ko, umupo lang muna ako at nagbantay ng mga pagkain at gamit ng ibang tao. At inayos ng inayos yung buhok ko hoping na humaba sya pag sinuklay ko ng sinuklay. :)

Ang topic ng sermon is about creation, syempre nga naman asa nature na lang rin kami eh. After ng praise and worship at short sermon ni Ptr Abel, nagkaroon ng “interaction with animals”. Ayun, nilabas yung ahas tas pede mo ipapulupot sa ulo mo. Pero syempre, di ko ginawa, baka himatayin ako sa takot. Si B-ann nga hinabol pa nung nag-aalaga ng ahas, eh nacorner sya, kaya ayun, nailapit sa kanya. Actually, gusto namin magpapicture talaga kasama nung ahas, kaya lang talaga baka di kayanin ng powers ko lalo na pag nilabas niya yung dila nya. May pinahawakan ring guinea pig sa amin. At yun, hinawakan ko na, syempre, di naman kasi nakakatakot yun. Ang cute, parang stuffed toy.

After nun, ngspecial number kami. Surprise special number. As in, hindi ko alam na magspecial number kami. Tinawag na lang kami ni Ptr JJ at ayun napasayaw ako ng wala sa oras. Im trying to keep a low profile pa naman dahil sa bangs ko, tas napapunta pa akong stage. Hai... okay naman kahit papano yung action song na ginawa namin.

Nag-games afterwards. Lahat kami may papel na binunot tapos kailangan namin mahanap yung mga group mates namin by making animal sounds. Snake kami, at kahit na kami naman talaga yung unang nakabuo ng group, hindi kami yung nanalo. Ang basis ng pagkapanalo eh palakasan daw ng tunog, good luck naman sa tunog ng snake di ba? Tapos naglaro rin kami ng picture me. Yung una gagawin namin ang sarili namin na pansit. Ang corny nung ibang group, kami todo effort eh. Pero natalo kami dun. Nung ang pina-act na eh yung tricycle, sabi namin hayaan na lang namin yung ibang group yung manalo. Pero, parang katuwaan na nga lang, gumawa pa rin kami ng tricycle. Masaya ako kasi walang killjoy sa group namin, lahat game eh. At nanalo kami. Kahit na pawis na pawis ako afterwards, masaya naman. Sayang lang kasi yung ibang tao di nagparticipate, di nila naramdaman yung fun tsaka joy. Ang sarap kayang maging parang bata ulit. Yung last game, ewan ko kung ano yun dapat, pero nagtakbuhan na yung ibang group, at group na lang namin yung natira. Talk about, natakot sa amin.

Kainan afterwards. Daming food. Iba’t iba yung dala ng bawat family tapos sharing talaga. Palipat-lipat nga kami ng table, busy sa pagkuha ng pagkain. Masaya rin ako kasi nakita ko ulit yung mga dati kong kaibigan na matagal ko ng di nakikita. Pumunta sina Ate Lyn, at kasama nya yung baby nya. Ang cute nga eh, kaya lang nangingilala na. Pumunta din sina Josan, kasama ang kanyang family. Ang cute pa rin ni Baby Frida niya, kagagaling nga lang sa sakit kaya wala sa mood.

Lumibot kami sa Manila Zoo pagkatapos kumain. Yung sa part ng mga ahas, natatandaan ko yun from childhood. Hindi nagbago. Pati yung sa elephant. Matanda na yung elephant plus nag-iisa na lang sya. Yung sa kulungan ng mga tiger, yun pa rin yung dati. Too bad wala ng lion dun, at giraffe. May hippo pa rin, ang cute nga eh, dirty nga lang. Niloloko nila akong hippo. Tapos ang last naming stop eh yung sa mga monkey. Nakaktuwa yung oranggutan dun, nagpapacute, kaya lang mag-isa rin sya. Ang daming inaayos sa Manila Zoo, marami rin kasing nagtumbahang puno gawa ng bagyong Milenyo. Tsaka nirerenovate pa kaya maraming construction. Pero malaki na talaga pinagbago simula nung last akong nakapunta dun, mas luminis eh.

Ang last naming activity, namangka sa lagoon. Lima kami sa bangka: B-ann, Peers, Benj, Mike at ako. Nakipag-race kami kina Peter (with Hezek at Alfie) at June (with Hezron, Tita Lina, at Jonelle). Pero dahil sa mas marami kami at mas mabigat, considering nalang kung gano kalalaki yung mga kasama ko, talo kami lagi. Nakakatuwa lang talaga pag nagkakabanggaan kami. Pero nakakatakot rin kasi muntik na talaga kaming tumaob. Ang lilikot rin kasi ng mga kasama ko, lalo na ni Peers. Pero all in all, masaya talaga sya.

Sana nga laging may ganung activity yung church. Nawala na kasi yung family camp at family day kaya minsan na lang makapag-enjoy ng ganun. Although may mga paminsan-minsang mga swimming at outing pero hindi naman involved yung buong church dun. Sana next year ulit.

Wednesday, October 25, 2006

A Super Happy Birthday

Birthday ko kahapon. Masaya. As in. Wala na akong mahihiling pa.

Sino ang mga pumunta?
Andaming taong pumunta. Kumpleto yung Pastoral Staff ng Church tsaka yung mga nanay at tatay ko sa church. Naoverwhelm ako masyado. Halos lahat rin ng youth, pumunta. Tapos pumunta din sina James, Raf, Lea at Jayrald.

Para ngang may church service sa dami ng tao. Hindi kami nagkasya sa bahay, yung mga youth asa labas na eh. Kung iisa-isahin kong isulat dito yung mga pumunta, baka may makalimutan ako kasi madami talaga. Tapos yung mga akibigan ko na hindi ko sigurado na pupunta eh, pumunta. Basta, ang gulo ko na. Masyado lang akong masaya kasi hindi ko inakala na ganun karami yung pupunta sa birthday ko, na ganun pala karami yung mga taong nagmamahal sa akin. (hanep, parang pang Star Drama presents.. )


Feeling ko, kulang-kulang 100 yung pumunta sa amin.

Ano ang handa?
Marami rin akong handa. Hindi ko inakala na ganun karami. Sabi nga nila parang hindi nauubusan eh. Di ko rin alam kung saan nanggagaling yung mga pagkain kasi parating may dumarating. Akala ko nga kukulangin ng food eh, pero hindi talaga.

Ano nga ba handa ko? Hmmm.. spaghetti, pancit canton, arroz valenciana, chicken nuggets, lumpia, palitaw, maja blanca, hotdog, squid balls at french fries. Ang nagluto ng lahat ng yan ay si Mommy Nitz, Tita Fina, Sis Baby at Ate Neng. Si Mommy Nitz talaga yung may pinakamaraming niluto dyan. Imagine si Mama, hindi man lang nagluto ng kahit isa jan, as in puro mga church mates namin yung namalengke, naghiwa, nagprepare, nagprito, nagluto, nagdala ng lahat ng pagkain na yun mula church hanggang bahay.

Nagdala rin sina Bro Boy ng siomai, si Sis Tate naman, nagbigay ng kutsinta. Sina Tita Cathy may dalang litsong manok. May Gonuts Donuts rin na dala sina Jayrald. At eto yung pinakamasaya sa lahat: apat ang birthday cake ko. Ang wish ko kasi, kahit ano yung handa, basta dapat may cake ako. Kasi last year, nalungkot talaga ak dahil first time ko mawaalan ng cake sa birthday ko. Tapos ngayon, apat yung cake. Si Dash, Tita Lina, Sis Leonette and Kuya Ariel ang nagbigay sa akin ng cake. Hay, as in nung dumating nga si Dash na may dalang cake, sobrang natuwa na ako kasi yun lang talaga yung pinakagusto kong handa eh. Nagulat lang talaga ako dahil andaming nagdala ng cake.


Sabi nga sa akin nina Jayrald, bat parang hindi kami nauubusan ng pagkain. As in hindi tumigil yung pagdating ng pagkain. Sabi nga ng mga youth, nabusog sila sa mga finger foods, kasi daw parang non-stop. Tapos bumaha rin ng juice. Hehehe...

Sobra. Si God talaga yung nagmultiply nung food. Sobra kasi talaga, nakapamigay pa kami sa mga kapit bahay tsaka nakapag take out pa yung iba.

Ano ginawa nung bday ko?
Nagkantahan yung mga youth. Yung mga not-so-young naman ay nagkwentuhan. Masaya yung kantahan, halos lahat kumanta. Pero syempre, yung kapatid ko yung may pinakamaraming kanta. Nag-asaran, hindi naman mawawala yung kantyawan at tuksuhan eh. Masasabi o lang talaga, masaya ako, at nakita ko rin naman na sobrang nag-enjoy rin yung mga bisita ko.



Ano pa ba ginawa namin? Ayun, kumain ng kumain.



Pasasalamat
Nagpapasalamat ako kay Mama at Papa dahil sa pagmamahal nila sa akin for the past 22 years. At sa mga kapatid ko na andyan palagi para sa akin. Sa mga nanay at tatay ko sa church, sa mga pastors ng WIN Manila na nakakita at gumabay sa aking paglaki. Kung hindi dahil sa mga panalangin, encouragement, disiplina at pangaral, hindi ko alam kung nasaan na ako kung wala sila. Sa mga youth na kasama ko ng lumaki at magkaisip. Wala na sigurong papantay pa sa pagkakaibigan natin. Sa mga kaibigan ko sa UP, hindi masaya yung mga huling taon ko kung di ko kayo nakilala. Salamat rin dahil sabay-sabay tayong nag-grow sa walk natin with God ngayon. At syempre, salamat po LORD, sa ibinigay nyong panibagong buhay sa akin at sa mga taong naging parte na buhay ko. Salamat po kasi faithful pa rin kayo at tsaka salamat po for making all things work together for good. Sobra-sobrang blessings yung ibinigay nyo sa akin the past years. Salamat po sa lahat.

Nagpapasalamat din ako dahil dalawa sa nasa wish list ko yung naibigay sa akin: una eh yung Captivating (bigay ni julius). Hindi naman na ako nagulat kasi alam ko na na yung ibibigay nya sa akin. Yung pangalawa eh yung puzzle na bigay ni James. (James, may utang kang 500, hehehe, pero salamat talaga, kasi alam ko naman na mahirap hanapin yun). Kelan ko kaya masisimulan yung pagbuo nun?

At tska sa sandals (from Sis Cristy), bedroom slippers (ate Ja & Jaypee), bubbles (ara), cologne (b-ann), at mp4 (Benj), super salamat talaga.


Well-wishers

Gusto ko ilagay lahat ng mga nagtext sa akin nung bday ko:
~~~~~~~~~~~~~
Oct 23
6:48pm
Happy Bday sis! - ate belle

11:29pm
"Did you ever look at a picture of yourself and see a stranger in teh background?It makes you wonderhow many people have pictures of u, how many moments of other people's lives we've been in,. Were we part of someone's life when their dream came true, or were we there when their dreams died? Did we keep trying to get in, as if we weredestined to be there? r did teh shot take us by surprise? Just think, u could b a big part f someone else's life, and not even know it" -lucas scott Happy happy birthday!Continue to be a big part of other people lives. Always count your blessings. :) - carlo

11:54pm
ate ja hapi bday... thnx 4 evrything... God bless - mike

oct 24
12:01am
happyhappyhappyhappyhappyhappyhappyhappyhappyhappyhappy
happyhappyhappyhappyhappyhappyhappyhappyhappy natal day jaja.. wish you all d' happiness and success in your lyf.tnx 4 being a gud frnd and ate.. tnx for everything..God bless you always.mishu..mwah - dang

12:6am
Happy bday jaja!Muah!Miss u! God bless! - ate elaine

12:07am
Happy bday sis!im blessd nd thankful of havng u as my sister..nd sorry rin kung nsktan man kta..continue 2 b a blessing!may God bless da desire of ur hart..love u sis!mwh!God b wid u!tkecare! - b- ann

12:11am
Hey jha. Hapi bday. I hope ul hav a veri hapy bday 2day.. May u continue 2 touch lives 4 God's glory. Happi happi bday.. - julius

12:42am
Happy happy birthday ja! God bles u always!U - jepoy

1:03am
...May 1 p pla akung bday wish sau..sna ds tym,, mgng msya kn tlga..ung pangmtgalang saya. Ndi lng s matters of d heart,, kndi s lhat ng mga bagay.. -julius

Happy happy birthday janice! May you continually grow in the knowledge of Him u ingat lagi! God bless u - raf

1:13am
Happy birthday ja! Gusto ko sana makuha m tlga ung best na ioofer ni God para sa buhay m.Tapos, sna lgi k n rn lng manatiling masaya. Ok n rin maging masungit ka wg lng iyakin. :) il always b hre to help.mrmi n kc ako dapat ipgpsalamat ky God at naging parte k ng buhay ko and despite the things that happened to us in the past.. siguro nga, i may nver stop caring 4u.O wag lalaki ulo ah..hehe. libre!! - james

3:59am
Good morning.Hapi Hapi bday ulit. Welcum ate ja!Bsta ikaw! Hehe.. Cge, post adi tym..Finals kc namen til 2mrw.U Ingats. Mis ko na kau jan. - michael

6:36 am
Hi, ate ja. happy2 b-day.sna marami k png bday n dmtng at mlakas ang pnga2tawan. God bless U - Ninang Mylene

6:48am
Janice happy birthday!U God bless always!U - jayrald

6:52am
Uy mam Janice! Hepi beday!! Nxt wik ka nlg pakain sa amin..bka maextend ako d2..pero kg gs2 nyo tom, ok lg sa akin.. nyahahaha..hv a nice day kpatid! Enjy! n God bless! - Sir Mark

8:12am
hapi bday janice!U - tere

8:44am
HaPPY BIRthDay! may God continue 2 cover you with His Holy Spirit! GoD LoVES u..Godbless - jop

---message ni jaypee, di ko naisulat eh---

8:48am
hi janice!Happy birthday!May God bless always!U - janet

9:00am
HAPPY BDAY!May u have more bdays 2 cme na malgaya at malakas ang katawan. - Tita Moneth

9:15am
Maligayang bati sa araw ng iyong kapanganakan.Iba ka janice, fiesta oficial ang iyong kaarawan.Sakto na ba ang pagbati ko? God bless you! - vanj

9:15am
Jaja dear!Hapi hapi hapi hapi birthday to u! Mwaaahness!U - ate doths

9:20am
Happy birthday! - Kuya Ariel

10:23am
Happy bday 2u.Hapi bday 2u.Hapi bday hapi bday.Hapi bday 2 u..O ayan,, knantahan n kta..haha.. - julius

11:57am
Jaja, happy birthday. You are a blessing! - Ptr JJ

12:02
Happy bday!! - hans

12:04pm
Ja, happy birtrhday!mgkaedad n nmn tau hehe.. - poppet

12:08pm
Happy birthday JA! :) - paul

12:29pm
Janice haberday at enjoy sa salusalo mamya. hehe kami ay nagdavao ng irc hehe pasalubungan ko nlng kyo hehe - caloyski

12:46am
api bedey.U - te janine

1:10pm
Ja hapi bday!!! - Ann Meir

2:01pm
hapi birthday janice! may ur faith continue to inspire people 2 know the Lord.U im sure God's plan 4u is prfct.but i wish u all d best just d same.U God bless! - lea

4:04pm
4 Evry dream in our heart, God givs us inspiration.4 evry hope we seek, God givs us unxpctd miracles. 4 evry faith we beliv God blesses us more!U HAPI B-DAY!U - Maam Ghea

4:55pm
Happy birthday!U - chona

5:34pm
Happy Birthday!!! - ely

5:54pm
Happy birthday janice!U - caress

6:47pm
Appee beeday...San party engr.? - vincent

7:01pm
Hapi bday! Wish u all d best! Godbless! - Kuya Seph

8:16pm
Buti nalang nakahabol. maligayang kaarawan po! - Sir Ceejay

10:18pm
janice, hapi bertday!U - berns



~~~~~~~~~~~~~~
at sa mga tumawag:
12:03am Benj
7:22 am Ninong Meth
7:48am Sir Mark
8:59am Papa
9:11am Danes

~~~~~~~~~~~~~~~
at sa nagbigay sa akin ng testi sa friendster:
James and Aubrey

~~~~~~~~~~~~~~~
at sa bumati sa kin through chat:
Sir Rommel and Paolo
Ed, Athan at Erol

~~~~~~~~~~~~~~~
at sa lahat ng pumunta.

Maraming salamat sa inyo.

-----
sa susunod na lang yung pics..

Friday, October 20, 2006

Birthday Wish.. isa pa...

And i want to add this on my birthday list...


Ok, so nag-inquire na kami, at ang natitira na lang na ticket ay 400 and 550. Gusto ko ng patron seats, pero ayos lang kung yun na lang talaga available.

I'm sooooooooo excited.... this is our chance to worship with them!

Friday, October 13, 2006

Pahabol...

Just when i thought i'll end this week on a happy tone, i was wrong. Hahaha, mas masaya pa ngayon...

WALANG PASOK SA BIRTHDAY KO....

meaning more time with family...
tsaka magagawa na namin yung original plan...
i have one whole day for myself, celebrating God's faithfulness for 22 years...

Hay.. super excited na ko.. Akalain mo yun, walang pasok... Simple joy...

Thursday, October 12, 2006

Happiness

The past few days, masaya ako... May mga times na malungkot, pero nacacancelout naman ng saya... Di ko lang naisip na i'll feel this happy again...This soon...

Kakatakot lang, baka kasi may malungkot na naman na mangyari. Lagi kasing ganun eh.. Pero sana macancel out pa rin ng saya yung lungkot...

Sana tuluy-tuloy na to... Hahaha... Masyado ako naoverwhelm ng kasiyahan... :)

~~~~~
when their sorrow was turned into joy and their mourning into a day of celebration.
- Esther 9:22

Then maidens will dance and be glad,
young men and old as well.
I will turn their mourning into gladness;
I will give them comfort and joy instead of sorrow.
- Jeremiah 31:13

Monday, October 09, 2006

Birthday Wishlist

Ilang tulog na lang birthday ko na. Hehehe, at dahil may mga nagtatanong na sa akin kung ano gusto ko matanggap ngayong birthday ko, ito na yung birthday wishlist ko:

:: maging ok na si Mama (si God lang makakapagbigay nito)
:: Laptop
:: digicam
:: Devotional/Study Bible (NASB)
:: Books: Captivating , Falling in Love with Jesus
:: Jigsaw puzzle: yung 1500pcs (super tagal ko na talaga tong gusto, siguro mga 3 years na, basta ang picture eh yung mga bata na sweet)
:: stuffed toy: Mojacko, Stitch, Bear na malaki from Bear Cuddler (ayoko talaga sa Blue Magic, hindi expressive yung eyes ng mga teddy bears dun)
:: jacket

Ayan lang muna. Sabi sa akin, masyado raw mahirap at madami gusto ko. Sabi ko naman pwede pa naman na sa Christmas na lang yun ibigay or may mga susunod pa naman akong birtday eh. Pero ok lang rin naman walang gift, basta maalala lang nung mga kaibigan ko yung birthday ko, masaya na ko nun.