Napag-isip Ako
"Ang totoo, inaabangan natin ang daraan at hindi ang darating. Kailanma'y hindi maaaring ipagkamali ang paghihintay sa pag-aabang. Hindi lamang dahil para sa aki'y mas may pananabik ang huli kaysa sa una ngunit dahil na rin sa mangyayari matapos ang dalawang gawain. Sapagkat natatapos ang paghihintay sa sandaling dumating na ang hinihintay, samantalang kapag dumaan na ang inaabangan, may pangako itong dala--na tangayin tayo sa isang bagong pook, iparinig sa atin ang isang bagong awitin at ipadama sa atin ang isang bagong pag-ibig. Samakatuwid, mas nararapat tayong magtiwala sa pangakong hatid ng bagong karanasan matapos ang pag-aabang at hindi lamang mapako sa kinatatayuan matapos dumating at manatili sa ating piling ang hinihintay."
*Joseph de Luna Saguid, Pasa(kalye)
Flame, Dapitan Literary Folio
0 Comments:
Post a Comment
<< Home