Fading Memories

"It is easy to say that Jesus is good, that He cares for us, that He will do what's best in our lives. It is another thing for these truths to get to the heart so that we are free from fear and anxiety no matter what the circumstances are."

My Photo
Name:
Location: Manila, Philippines

22. Christian. UP Grad. Liscensed Electronics and Communications Engineer. Yellow and Green. Bookworm. Math. Sweet tooth. Chocolate-lover. Clumsy. Gullible. Sentimental. Unathletic. Moody. Cries easily. Selosa. Treasures friends. Can be creative. Have a knack for remembering numbers and dates. Stubborn. Single and Saved. my Father's princess. Loves God above all.

Wednesday, January 03, 2007

Puzzle

Finally, before the year ended, natapos namin yung 1000 pcs na puzzle na regalo sa akin nung birthday ko. Hehehe... Salamat sa mga tumulong sa akin sa pagbuo nun- JUne, Peter, Hezron, Dash at Kuya (kahit na wala pang sampung piraso yung part na nabuo mo).

Astig. Akalain mo may mga natutunan rin ako habang nagbubuo nun. Minsan sa buhay natin may mga dumarating na mga bagay. Sa unang tingin pare-pareho lang sila. Pero habang tumatagal, marerealize mo na hindi pala. Sa kinalaunan, iba-iba pala sila ng paglalagyan. Andaming black at gray at off white na kulay sa puzzle na yun, kaya ang hirap niyang buuhin.

Minsan, pilit nating kinoconnect yung mga bagay-bagay, pero hindi natin maintindihan. Yun naman pala kasi mali yung mga ginawa nating connection. (ewan ko if i'm making sense, pero basta ganun yung pagkakaintindi ko). Sa huli, malalaman in natin yung tamang koneksyon nung mga bagay-bagay na nangyari sa tin. Pag kumpleto na at tapos na yung work na ginagawa sayo ni God, siguro pag kasama na natin si God sa langit.

Minsan, may mga bagay na pinipilit nating magfit dun sa buhay natin, may mga pieces na pinipilit nating iconnect dun sa puzzle. Sa una, para ngang doon sya talaga nakalagay. Pero hhabang tumatagal, maiisip mo na bakit parang wala ng magfit dun sa mga spaces sa paligid nung isang piece nung puzzle na pinagpilitan mo. Hanggang sa iisipin mo na baka may nawalang piece, kulang na yung puzzle. Ganun naman talaga di ba, pag pinagpilitan mo ilagay yung isang bagay sa hindi naman niya kinalalagyan, sa huli, mas maraming pieces ang hindi magfifit, mas maraming maaapektuhan.

Ok yung feeling pag nagbubuo ka ng puzzle. Masaya ka na kahit limang pieces napagconnect mo. Imagine, sa dami nung pieces, may napagconnect kang lima. Pero minsan nakakafrustrate, lalo na pag kakasimula mo pa lang, tas ilang oras ka ng sumusubok pero wala pa rin. LAhat na ng klase ng pagsort ginawa mo, pero parang walang nangyayari. Pero magpapatuloy ka pa rin.

Mahigit two months after nung binigay yung puzzle bago ito nabuo. Pero anim na beses lang namin ito ginawa. Medyo nagkatamaran sa pagbuo eh. Pero ok naman, tapos na. Ang ganda at ang laki pa. Siguro uulit pa ko, pero gusto ko ako na lang mag-isa ang bubuo.

1 Comments:

Blogger Hezron Peralta said...

thank you rin...

6:28 PM  

Post a Comment

<< Home