Christmas Parties
WOW!!! Ang saya ng Christmas Party ng ASTI last Tuesday. Outdoor kasi eh. Last year, dito lang kami sa office nag-Christmas Party, pero this year, may konting budget kaya sa Daza Park sa loob ng Camp Aguinaldo na kami.
Umalis kami ng ASTI ng around 8:30. Nadyahe nga ako kasi sa kotse ng Division Chief namin ako sumakay. At dun pa ko sa unahan pinaupo. Dyahe talaga.
Pagdating dun, breakfast muna then naggroup na yung 4 teams para sa games. Yellow team ako. Ok naman yung games, yung usual na mga nilalaro sa christmas Party. Nakakalungkot lang kasi after ng first three games, kulelat kami. Eh ang price pa naman ng mananalo dun eh one day offset. Imagine, makakapag-absent ka with pay. Kaya decided talaga lahat na manalo.
After nung first part ng games, may raffle. At nanalo ako. First time ko talaga manalo ng raffle, as in, kaya nga tuwang tuwa ako. Nakuha ko eh steamer. Hahaha, may pang regalo na ako kay Mama. Sayang lang kasi gusto ko sana yung DVD player. Pero thankful na rin ako dun sa steamer, mukhang healthy living ako next year ah. :)
We had lunch after. Daming pagkain. Fish Fillet, barbecue at fried chicken. Tas may salad pa. Busog talaga.
Then division presentation. Ksmi ang first na magprepresent. Alam ko naman na praktisado kami this year unlike last year, na nung araw lang ng Christmas Party kami nagpractice. Tsaka, kinareer talaga namin, halos one week na 6:30 kami umuuwi para magpractice. Tsaka, game din yung mga boys sa presentation nila.
Nung nagpresent kami, tilian yung mga tao. Nag-improve kasi talaga. Naaliw talaga sila dun sa sayaw ng mga boys. Ang astig naman kasi talaga eh. And to think na sila pa yung nag-choreo nun. Galing galing nina Sir Gerwin at IC. Masaya rin yung sayaw namin, although parang wala na kong mukhang ihaharap sa mga tao, dahil puro kembot yung sayaw. Nakakahiya talaga, pero keri lang.
Nag-paid off naman lahat ng hirap at kahihiyan dahil nanalo kami. 2nd place. Sabi nga nila dapat kami raw ang first kung nagpresent rin si Boss Jess. OD ang nanalo kasi si Sir Denis, yung director ng ASTI, yung pinakamataas sa company namin, nag-sing and dance ng boom tarat-tarat. Beat that. Ang galing talaga. Tsaka bentang benta. Ang sarap iupload sa Youtube. ehehehe.. :)
And nanalo din ang yellow team. Dahil ang laki nung points from the last game, nahabol namin yung points. At nanalo kami. First Prize. One Day offset. Came from behind, at nanalo kami. Ang saya talaga. Hahaha...
Nung uwian na, nakisabay ako kay Sir Denis. Imagine, sumakay sa kotse ng director ng ASTI at nagpahatid sa MRT cubao. Wow. Talk about kakapalan ng mukha... May kasam naman ako. Kaya lang that was really something. :)
Ang saya ng Christmas Party. At least, my last Christmas Party at ASTI was memorable.
~~~~~~
S2E Christmas Party
S2E Christmas Party was held the next day sa S2E conference room. Nung lunch, lahat kaming girls pumunta sa Robinson's Metro East para bumili ng food for the Christmas Party. First time ko kayang pumunta dun kaya nung may nakita akong flip flops eh bumili ako para may souvenir. Baka kasi hindi na ako makabalik doon.
Nagstart yung party namin around 4pm na. Walang program, nagshare lang kami ng food and then exchange gift afterwards. Ang daming pagkain. Di namin naubos sa sobrang dami.
Ang nagbigay buhay talaga sa Christmas Party ay yung bukuhan at laglagan ng mga crushes. Nakakatuwa kaya yung magpapicture ka kasama yung crush mo. Buti na lang at hindi sila napipikon. At buti na lang hindi nila kilala crush/es ko.
May raffle din pala. Dalawang P500, half day offset at mga little things. Nanalo ako ng suklay at salamin, kelangan ko daw nun kasi lagi na lang magulo buhok ko. Sabi nga nila ang swerte ko daw eh. :) hehehe... Sayang, gusto ko pa naman sana ng 500. :)
~~~~~~
The past 3 Christmas Parties I've attended involved an exchange of gift. You give something and you expect something back. Mamya, together with my college friends, we'll be giving gift pails to people who are not in the position to give something back to us. A simple way of sharing yung blessings na natanggap namin this year. Sana maging masaya sila this Christmas.
~~~~~~
4 days na lang at pasko na. Medyo nafifeel ko na.
Merry Christmas Everyone!!!
and Happy Birthday Jesus. :)